今週の動画

PAGKASUNOG NG BALAT, PAMAMANHID NG MUKHA, NAIULAT KASUNOD NG HIFU TREATMENT

Ilang customers ang nagsabi na nakaranas sila ng pagkasunog ng balat, pamamanhid ng mukha at iba pang pinsala matapos sumailalim sa high intensity focused ultrasound (HIFU) treatments na pino-promote ng mga beauty salon at aesthetician sa Japan para mapabuti ang lumalaylay na balat.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, dahil dito ay sinuspinde ng beauty treatment reservation site na “Hot Pepper Beauty” ang mga bookings para sa mga HIFU treatments mula kalagitnaan ng Enero 2024.

Ginagamit ang HIFU equipment para sa paggamot sa prostate cancer at iba pang karamdaman.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!