今週の動画

PROBLEMA SA ‘OVERTOURISM,’ TUTUGUNAN NG KYOTO

 

Magdadagdag ng mga serbisyo ng bus ang Kyoto Municipal Government pagpasok ng autumn season bilang isa sa mga hakbang para tugunan ang “overtourism” sa lugar.

Hihikayatin din ang mga turista na gumamit ng subway habang maglalagay din ng pansamantalang luggage storage area sa JR Kyoto Station para maiwasan ang congestion sa mga lugar at bus, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Maglalabas din ng tourism etiquette sa mga electronic billboards sa Kyoto at Karasuma Oike subway stations sa wikang Ingles, Chinese at iba pa.

Nagtala ng 43.61 milyong turista ang Kyoto noong nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!