今週の動画

1 SA BAWAT 10 TAO SA JAPAN, NASA EDAD 80 PATAAS

Tinatayang 1 sa bawat 10 tao sa bansa ang nasa edad 80 pataas, inanunsyo ng internal affairs ministry sa paggunita ng Respect for the Aged Day.

Ayon sa tanggapan, bumaba ng halos 10,000 ang bilang ng mga nasa edad 65 pataas mula noong nakaraang taon sa 36.2 milyon.

Ito ang unang pagbaba na naitala simula nang isagawa ang nasabing pagtatala taong 1950, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Sa bilang na ito, 15.7 milyon ang mga kalalakihan habang 20.5 milyon naman ang mga kababaihan.

Tumaas naman ng 270,000 kumpara noong nakaraang taon ang bilang ng mga nasa edad 80 pataas sa 12.5 milyon o katumbas ng mahigit 10 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!