今週の動画

PAGPAPAGAMOT SA COVID-19, HINDI NA LIBRE SIMULA OKTUBRE

Hindi na magiging fully covered ng pampublikong pondo ang mga gamot sa COVID-19 simula susunod na buwan.

Ito ang inihayag ng health ministry kamakailan, ayon sa ulat ng Jiji Press.

Sisingilin ang mga pasyente base sa kanilang kita. Para mga taong may public insurance, 30 porsyento ang kanilang babayaran o nasa 9,000 yen.

Sa pagtataya ng ministro, aabot sa 12,270 yen ang gastos sa unang bisita sa doktor at mga gamot ng mga taong gumagamit ng public insurance; 8,180 yen naman sa mga may 20 porsyento ang babayaran; at 4,090 yen para sa mga may babayaran na 10 porsyento.

Sinabi rin ng ahensya na mula Abril ng susunod na taon ay babalik na sa normal ang gagastusin sa outpatient at hospitalization services para sa novel coronavirus.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!