今週の動画

BUDGET NG MGA JAPANESE SALARYMEN SA PANANGHALIAN, MAS MABABA SA ¥500

Halos kalahati ng salarymen sa bansa edad 20s hanggang 50s ang mas mababa sa 500 yen ang budget para sa pananghalian.

Ayon sa isang online survey na isinagawa ng Lendex Ltd. sa 1,120 na salarymen respondents, layon ng mga ito na makatipid sa gitna nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Nang tanungin kung magkano ang kanilang budget sa isang pananghalian, ang karaniwang sagot ay “500 yen hanggang sa hindi lalampas sa 1,000 yen” sa 39.2 porsyento, habang 26.1 porsyento ang nagbabaon ng pananghalian, at 22.6 porsyento ang gumagastos ng mas mababa sa 500 yen. Kapag pinagsama-sama, nasa 48.7 porsyento ng mga respondents ang gumagastos ng mas mababa sa 500 yen.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!