2 VIETNAMESE, HULI SA PAMEMEKE NG RESIDENCE CARDS
Tiklo ang dalawang Vietnamese sa Gunma Prefecture dahil sa paggawa ng 12 pekeng Japanese residence cards.
Hinuli ng Gunma Prefectural Police at Ota Police Station sina Nguyen Duc Minh, 26, walang trabaho, at Bui Thi Ha, 27, restaurant worker, mga residente ng lungsod ng Ota, Gunma Prefecture, sa hinalang paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act, sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Ayon sa pulisya, naniningil ang mga ito ng mula 3,000 hanggang 6,000 yen kada piraso ng pekeng card.
Nakuha rin sa bahay ng dalawa ang mga pekeng driver’s license, printer at iba pang kagamitan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”