SHIBUYA MAYOR: ‘DON’T COME’ PARA SA HALLOWEEN
Nakiusap ang alkalde ng Shibuya Ward sa Tokyo na si Ken Hasebe sa mga tao na huwag pumunta sa lugar sa darating na Halloween para na rin sa kanilang sariling kaligtasan.
Popular ang Shibuya na dinadagsa ng maraming tao taun-taon para sa pagdiriwang ng Halloween.
Sinabi ng alkalde na hindi nakakapagtaka kung mangyari sa Shibuya ang katulad ng insidente na nangyari sa Itaewon, Seoul sa South Korea noong nakaraang taon dulot ng overcrowding, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Dinagdag din niya na hindi party venue ang Shibuya.
Ipapagbawal sa paligid ng Shibuya Station ang pag-inom ng alak mula gabi ng Oktubre 27 hanggang Nobyembre 1. Nasa 100 security guards ang inaasahan na itatalaga sa lugar.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan