JAPAN, PINAPALAKAS ANG PAGSISIKAP LABAN SA CHILD SUICIDES
Pinapalakas ng gobyerno ng Japan at mga nonprofit organizations ang kanilang pagsisikap para mapigilan ang child suicides sa bansa sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso nito.
Umabot sa 514 ang naitalang mga kaso noong 2022 sa mga elementary, junior high at senior high school students, ang pinakamataas na nai-rekord simula nang magsagawa ng ganitong pagtatala taong 1980, base sa datos ng welfare ministry, ayon sa ulat ng Jiji Press.
Nagtatag ang pamahalaan ng countermeasures office sa loob ng Children and Families Agency noong Abril. Nagkaroon din ng emergeny program noong Hunyo kung saan kabilang ang pagche-check ng mental at pisikal na kondisyon ng mga bata sa pamamagitan ng tablet computers na ipinapamahagi sa kanila sa mga paaralan.
Nangongolekta rin ang ahensya ng mga datos mula sa police, fire departments at paaralan para masuri ang dahilan ng mga pagpapakamatay.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”