今週の動画

MADALAS NA PAGLINDOL NAITALA SA MGA ISLA SA KAGOSHIMA PREFECTURE

Nanawagan ang Meteorological Agency sa mga residente na malapit sa Tokara island chain at Amami-Oshima island sa Kagoshima Prefecture na maging alerto sa posibilidad ng malakas na mga pagyanig.

Ito ay kasunod ng madalas na paglindol na naitala rito na umaabot sa intensity 1 o mas mataas pa sa seismic scale sa pagitan ng hatinggabi at 3 a.m. noong Linggo, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Kabilang din dito ang magnitude-3.7 na lindol na naganap mga 1:57 a.m. malapit sa Tokara chain.

Ilang serye na nang paglindol ang naganap malapit sa Tokara island chain dati.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!