SUSPENSYON SA OPERASYON NG MGA TREN DAHIL SA BAGYO, INANUNSYO
Inanunsyo ng JR East na magsususpinde ito ng mga serbisyo ng tren ngayong araw, Setyembre 8, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng paparating na Typhoon No. 13.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, sinabi ng kumpanya na ihihinto ang mga operasyon ng Tokaido Line sa pagitan ng Odawara at Atami stations mula unang biyahe ng mga tren hanggang tanghali pati na rin ang mga biyahe ng Ito at Kururi lines.
Masususpinde rin ang serbisyo sa pagitan ng Ome at Okutama stations sa Ome Line, pati na rin sa pagitan ng Komagawa at Yorii stations sa Hachiko Line, mula unang biyahe hanggang mga alas-kwatro ng hapon.
Nag-anunsyo rin ang JR Tokai ng posibleng pagkaantala at suspensyon ng kanilang mga operasyon sa lahat ng kanilang linya na bumibyahe sa pagitan ng Tokyo at Shin-Osaka stations.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”