今週の動画

219,170 KASO NG CHILD ABUSE, NAITALA SA JAPAN

Nagtala ng 219,170 kaso ng child abuse ang Japan noong fiscal year 2022.

Mas mataas ito ng 11,510 kumpara sa sinundang taon, ayon sa paunang datos na inilabas ng Children and Families Agency, saad sa ulat ng Jiji Press.

Pinakamarami ang kaso ng psychological abuse kung saan kabilang ang verbal threat at children witnessing domestic violence sa 129,484 na katumbas ng halos 60 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kaso. Nasa 51,679 naman ang kaso ng physical abuse, 35,556 ang neglect cases habang nasa 2,451 naman ang kaso ng sexual abuse.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!