INSIDENTE NG PAG-ATAKE NG OSO SA TAO, PINAKAMARAMI SA IWATE
Naitala ng environment ministry sa Iwate Prefecture ang pinakamaraming insidente ng pag-atake ng mga oso sa mga tao nitong mga nakaraang buwan.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, 15 insidente ang nairekord sa Iwate mula Abril hanggang Hulyo. Sinundan ito ng Akita na may siyam na kaso habang pumangatlo naman ang Fukushima na may pito.
Dagdag pa sa ulat, marami sa mga biktima ay namimitas ng ligaw na halaman sa kakahuyan nang sila ay inatake ng mga oso.
Pinapayuhan ang mga residente at turista sa mga nasabing lugar na magdala ng bear bells at maging alerto.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan