今週の動画

‘OVERTOURISM’ SA JAPAN, BALAK SOLUSYUNAN NG GOBYERNO

Plano ng gobyerno ng Japan na bumuo ng mga hakbang para tugunan ang “overtourism” sa bansa.

Ilan sa mga ito ang pagsisiksikan ng mga turista sa mga pampublikong transportasyon na nakakaabala sa mga lokal na residente, at pagpasok ng mga turista sa mga pribadong lupa para magkuha ng mga litrato.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, nagpulong ang mga opisyal ng Japan Tourism Agency, Economy, Trade and Industry Ministry at Land, Infrastructure, Transport and Tourism Ministry para pag-usapan ang problema.

Balak nilang maglabas ng mga hakbang na tutugon sa mga ito pagdating ng panahon ng taglagas.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!