BUYING GADGETS IN JAPAN
Kamakailan lang ay nag-anunsyo ang kumpanyang Apple ng kanilang “Apple Event” na gaganapin ngayong buwan para ipakilala ang bagong model ng kanilang produkto na Iphone. Kasabay nito ay inaasahan din na maglalabas ng bagong bersyon ng airpods.
Dahil na rin sa mabilis na pagpapalit ng produksyon at model ng mga cellphone, marami ang naeengganyo na bumili ng second hand o pinag-lumaang cellphone sa kadahilanan na ito ay mas mura.
Marami sa ating mga kababayang pilipino ay nahihikayat na bumili lalo sa sa mga binebenta sa Facebook group at online selling na kadalasan ay nauuwe sa scam. Sa mga pilipino na nakatira sa Japan, ugaliing bumili sa mga authorized resellers at shop sa Japan para siguradong kayo ay iwas scam. Kung kayo po ay nakatira sa malayo at ang inyong option ay bumili lamang online, siguraduhin na legit ang mga website na inyong bibilhan katulad ng mga sumusunod:
1. APPLE ONLINE STORE – Siguradong legit at mabilis ang delivery. Pwedeng gumamit ng prepaid card kung kayo ay walang credit card. Kung kayo ay estudyante, maari kayong makakuha ng discount para sa mga gadget na gagamitin sa pag-aaral katulad ng macbook at ipad kung inyong gagamitin ang kanilang education website (https://www.apple.com/jp_edu_1460/store). Maari rin subukan ang kanilang monthly payment kung kayo ay qualified.
2. AMAZON JAPAN – Maaring bumili sa Amazon Japan kahit walang credit card. Bumili lamang ng Amazon prepaid card sa mga convenience store, loadan ito sa counter at ienter lang ang code kapag kayo ay mag-ccheck out na sa amazon. Mabilis din ang kanilang customer service na available sa English at Japanese support.
3. RAKUTEN JAPAN – Ang Rakuten site ay isa sa mga kilalang online store sa Japan. Maari ka rin bumili ng kanilang card sa convenience store at loadan ito ng points na pwede ipambili sa kanilang online site.
4. JANPARA – Ang Janpara ay isa sa kilalang online site na nagbebenta ng second hand na gadgets. Maaari nyo rin bisitahin ang kanilang mga branches kung nais nyo makita at makuha agad ang gadget na inyong nais bilhin.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan