今週の動画

LALAKE NA NAGDEKLARA NG BANKRUPTCY, LUSOT SA ¥15-M NA SOBRANG TAX REFUND

Sumailalim sa bankruptcy proceedings ang isang lalake nitong Hunyo kasunod nang pagsingil sa kanya ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Settsu sa Osaka Prefecture sa sobrang tax refund na ibinayad sa kanya noong 2018.

Umabot sa 15 milyong yen ang nakuhang tax refund ng lalake kung saan nasa 5.5 milyon lamang ang inaasahang mababalik sa lungsod mula sa kanya dahil sa pagsasailalim niya sa proseso ng bankrupcty.Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, nagkamali ang city official ng Settsu Municipal Government sa inilagay na halaga na sa halip na 1,660,810 ay naging 16,680,810 yen.

Natuklasan ito ng Osaka Prefectural Government noong 2019 at ipinag-utos na ibalik niya ang pera ngunit sinabi ng lalake na hindi na niya ito mababalik dahil

nagastos na niya ito.

Samantala, babawasan naman ng 20 porsiyento ang sweldo ng alkalde ng lungsod at iba pang opisyales sa loob ng tatlong buwan dahil sa “moral responsibility” sa nangyari.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!