今週の動画

PILIPINAS, NANGUNA SA ASEAN TOURISM MARKET NG JAPAN

Tumaas ng 36.9 porsiyento ang bilang ng mga turistang dumating mula sa Pilipinas patungong Japan noong Hulyo kumpara sa parehong buwan noong pre-pandemic year ng 2019, ayon sa paunang ulat na inilabas kamakailan ng Japan National Tourism Organization (JNTO).

Nakapagtala ang Pilipinas ng humigit-kumulang 51,700 tourist arrivals sa Japan, ang pinakamataas sa Southeast Asia, saad sa ulat ng Filipino-Japanese Journal.

Pinasalamatan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang mga turistang Pinoy na bumisita sa Japan.

“A big ‘arigatou gozaimasu!’ to all our Filipino visitors!” aniya sa social media platform na X.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!