¥5,000 RICE COUPON, IBIBIGAY NG OSAKA SA 1.39 MILYONG RESIDENTE
Inilunsad ng Osaka Prefectural Government ang inisyatiba kung saan sila ay magbibigay ng rice coupons na nagkakahalaga ng 5,000 sa mga kabataan at buntis bilang suporta sa mga pamilya na may pinapalaking mga anak.
Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, sinimulan ng Osaka ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa electric coupons noong Setyembre 1 kasunod ng naunang programa noong Marso.
Maaaring mag-apply ang mga residente sa website https://www.osaka-kodomoshien.com/ hanggang Nobyemre 30.
Pwedeng mag-apply dito ang mga buntis at mga kabataan na ipinanganak noong Abril 2, 2005 at sa mga sumunod na taon pagkatapos nito.
Posible rin na home delivery ng mga cup noodles at iba pang mga produkto ang piliin sa halip na rice coupons.
Para sa mga katanungan, tumawag sa 0120-479-208 (in Japanese).
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”