今週の動画

MAHIGIT 2,000 FOOD ITEMS, TATAAS ANG PRESYO NGAYONG BUWAN

Asahan ang pagtaas ng presyo ng 2,067 produkto ng 195 na food at beverage makers sa Japan ngayong Setyembre.

Ito ay base sa tala ng Teikoku Databank Ltd., ayon sa ulat ng Jiji Press.

Magmamahal ang presyo ng New Yakult lactic drink sa 52 yen kada 65-milliliter bottle mula sa dating 44 yen.

Tataas din ang presyo ng “Haihai” baby formula ng Asahi Group Foods Ltd. sa 1,156 yen para sa 300-gram can mula sa dating 1,069 yen.

Aakyat din ang presyo ng mga rice crackers, bacon, miso at iba pa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!