今週の動画

SUMMER 2023, PINAKAMAINIT NA PANAHON SA JAPAN

Ang kasalukuyang summer season ang pinakamainit na naitala ng Japan Meteorological Agency (JMA).

Lumampas ng 1.76 degrees Celsius sa average temperature ang naitala sa 15 observation points sa bansa mula Hunyo hanggang Agosto.

Ito na ang pinakamainit simula taong 1898 nang magsimulang magtala ang JMA, saad sa ulat ng Jiji Press.

Nalampasan nito ang dating rekord na plus 1.08 degrees Celsius na naitala  noong summer ng taong 2010.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!