今週の動画

HYOGO PREF. POLICE, MAGPAPAHIRAM NG ANTI-STALKING GPS DEVICES SA MGA RESIDENTE

Bilang hakbang kontra stalking at karahasan ay sisimulan ng Hyogo Prefectural Police ang pagpapatakbo ng mga GPS device na magbibigay-daan sa mga may hawak nito na abisuhan ang pulisya sa mga emerhensiya sa pamamagitan ng isang security company sa pagpindot lamang ng isang pindutan.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, magpapahiram ang prefectural police ng 55 units ng GPS device simula ngayong buwan.

Nagtala ang prepektura ng 926 na mga konsultasyon na may kinalaman sa stalking noong nakaraan taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!