今週の動画

MAHIGIT 1 MILYONG KABATAAN, IIMBITAHAN NG LIBRE SA 2025 OSAKA EXPO

Inanunsyo ng Osaka Prefectural Government na mag-iimbita ito ng nasa 1,020,000 kabataan edad apat hanggang hayskul sa 2025 World Exposition na gaganapin sa Lungsod ng Osaka.

Magbibigay ang Osaka ng libreng one-time admission sa mga mag-aaral na nasa elementarya, junior at senior high schools sa prepektura bilang school event, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Para naman sa mga kabataan na hindi nag-aaral at mga estudyante mula sa ibang prepektura, magbibigay naman ang Osaka ng admission ticket sa bawat kabahayan na mag-a-apply para rito.

Tinatayang aabot sa 2 bilyong yen ang halaga ng proyektong ito. Samantala, magsisimula naman ang pagbebenta ng admission tickets para sa expo sa Nobyembre 30.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!