今週の動画

GASOLINE SUBSIDY PROGRAM, PAPALAWIGIN

Papalawigin at papalawakin ng Japan ang subsidy program nito na naglalayong mapababa ang presyo ng gasolina.

Plano ng gobyerno ni Prime Minister Fumio Kishida na palawigin ang programa na kasalukuyang nakatakdang mag-expire sa katapusan ng Setyembre, saad sa ulat ng Jiji Press.

Layon niya na mapababa sa 175 yen kada litro ang presyo ng gasolina pagsapit ng katapusan ng Oktubre na pumalo sa 185.6 yen kada litro nitong Lunes.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!