20 PORSYENTO NG MGA DOKTOR SA JAPAN, NAG-O-OVERTIME NG HALOS 1,000 ORAS
Humigit-kumulang 20 porsento ng mga doktor sa mga ospital sa bansa ang pinaniniwalaang nag-o-overtime nang higit sa 960 oras sa loob ng isang taon.
Saad sa ulat ng Jiji Press, katumbas ito ng 80 oras bawat buwan na posibleng maglagay sa kanila sa panganib na mamatay dahil sa sobrang trabaho, base sa survey na isinagawa ng research team ng health ministry.
Sa survey na isinagawa noong Hulyo 2022 sa 19,879 na mga doktor mula sa 5,424 na ospital kung saan pinag-aralan ang working conditions ng 11,466 na full-time na mga doktor ay nakita na 20.4 porsyento sa kanila ang nagtrabaho ng mahigit sa 60 oras kada linggo na lampas sa 40 oras na legal working hours dahilan para ipagpalagay ang tinatayang overtime sa higit sa 960 oras bawat taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan