今週の動画

JAPAN, BUBUO NG COUNTERMEASURES VS OVERTOURISM

Inanunsyo ni Prime Minister Fumio Kishida ang plano ng gobyerno na bumuo ng mga hakbang laban sa overtourism pagsapit ng panahon ng taglagas.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang turista sa bansa.

Sinabi ng lider ng Japan na mahalaga na magkaroon ng balanse sa pagitan ng turismo at buhay ng mga mamamayan, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Base sa tala ng Japan National Tourism Organization (JNTO), tinanggap ng Japan ang nasa 2,320,60 dayuhang turista noong Hulyo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!