今週の動画

DUTY-FREE SALES SA JAPAN NOONG HULYO, LUMAMPAS SA PRE-PANDEMIC LEVELS

Nagtala ng 31.3 bilyong yen na duty-free sales ang mga department stores sa bansa nitong Hulyo, mas mataas kumpara sa parehong buwan noong 2019.

Ito ang unang beses na lumampas sa ganitong antas ang benta sa loob ng isang buwan simula noong Marso 2020, sabi ng Japan Department Stores Association sa ulat ng Kyodo News.

Ang pagbabalik ng mga turistang Chinese kasabay ng mahinang yen ang pangunahing dahilan ng malakas na benta ng mga luxury brands at high-end items sabi ng asosasyon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!