今週の動画

BAGONG ECONOMIC MEASURES, PAGTITIBAYIN NG GOBYERNO

Upang maibsan ang negatibong epekto ng pagtaas ng presyo at suportahan ang mga negosyo ay planong pagtibayin ng gobyerno ng Japan ang bagong economic measures sa Setyembre.

Batay sa ulat ng Jiji Press, plano ng administrasyon ni Prime Minister Fumio Kishida na maglabas ng economic stimulus measures na hahatiin sa dalawang bahagi.

Bago ito ay magdedesisyon muna ang gobyerno ng mga hakbang para tugunan ang mataas na presyo ng gasolina kabilang ang pagpapahaba ng gasoline subsidy program na una nang nakatakdang matapos sa katapusan  ng susunod na buwan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!