今週の動画

LALAKING NAGPANGGAP NA PULIS, TINANGAY ANG ¥3.85 MILYON NG ISANG BABAE

 

Inaresto ng mga pulis ang 33-taong gulang na lalake sa hinalang pagnanakaw at pagpapanggap na pulis para makapanloko sa Kashiba, Nara Prefecture.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, nakuha ng suspek ang 3.85 milyong yen mula sa isang matandang babae gamit ang cash card ng biktima.

Nagpanggang na pulis si Toshiki Yamashita, walang trabaho at walang permanenteng tahanan, bilang isang pulis sa telepono at sinabi sa biktima na ang kanyang cash card ay nagamit nang hindi tama at binisita ito sa bahay.

Nakuha ni Yamashita mula sa biktima ang 10 cash cards at nagwithdraw ng 3,859,000 yen sa mga ATM machines sa Nara at Tokyo mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 7, 2020.

Nagsampa na ng kaso ang biktima habang itinanggi naman ng suspek ang krimen.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!