今週の動画

PAGGAMIT NG AIRCON SA GABI KAPAG HINDI BABABA SA 25C ANG TEMP. SA LABAS, INIREKOMENDA

Inirerekomenda ng Daikin Industries Ltd. na iwanang naka-on ang A/C kahit na natutulog sa gabi kapag ang temperatura sa labas ay hindi bumaba sa 25 degrees Celsius.

Ayon sa ulat ng The Mainichi, pinapayuhan ng kumpanya ang mga tao na makakatulog sila nang kumportable kung ang direksyon ng daloy ng hangin ay pahalang para hindi direktang umihip ang hangin laban sa katawan. Inirerekomenda din nila na maglagay ng bentilador sa tapat ng air conditioner para maiangat ang malamig na hangin malapit sa sahig at nang mabawasan ang hindi pantay ng temperatura ng kuwarto.

Base sa isinagawang survey ng Daikin,  karamihan ng tao sa Japan na gumagamit ng A/C ay sine-set ito sa sobrang lamig sa gabi kaya sila ay nahihirapang makatulog.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!