MGA DAYUHANG RESIDENTE SA TOKYO, NAKARANAS NG DISKRIMINASYON NOONG PANDEMYA
Nasa 30 porsyento ng mga dayuhang residente sa Tokyo ang nakaranas ng diskriminasyon na may kinalaman sa COVID-19.
Base sa survey na isinagawa ng Tokyo Metropolitan Government, kabilang dito ang limitadong kakayahan na makapag-usap nang maayos sa mga reception staff sa mga ospital, pagtrato na parang sila ang may kasalanan sa pagkalat ng virus, at pagtanggap ng hindi malinaw na paliwanag tungkol sa virus, saad sa ulat ng Yomiuri Shimbun.
Naniniwala naman ang gobyerno ng lungsod na mataas na bilang ng mga dayuhang residente rito ang aktibong gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at nangakong gagawa ng polisiya para makapamuhay ang mga ito sa lungsod ng may kapayapaan ang isip.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan