今週の動画

MAHIGIT 2.3 MILYONG DAYUHANG TURISTA, BUMISITA SA JAPAN NOONG HULYO

Nakapagtala ang Japan National Tourism Organization ng 2,320,600 dayuhang turista sa bansa noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, ito ay katumbas ng 77.6 porsyento ng bilang na naitala noong Hulyo ng pre-pandemic year 2019.

Base sa paunang tala ng JNTO, 676,800 turista ang nagmula sa South Korea, 422,300 mula sa Taiwan, 313,300 mula mainland China, 216,400 mula Hong Kong at 198,800 mula Amerika.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!