PRESYO NG BABY PRODUCTS SA JAPAN, TUMAAS
Mas malaki ang itinaas ng presyo ng mga baby-related goods tulad ng diapers at gatas kumpara sa ibang consumer products simula nang pumasok ang taon.
Tumaas ng 9.3 porsyento ang presyo ng mga ito noong Hunyo kumpara sa parehong buwan noong 2023, mas mataas sa 3.3 porsyento na itinaas ng kabuuan ng consumer products sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na baby price index na naitala simula noong Enero 2015, ayon sa ulat ng Kyodo News.
Matatandaang isa sa mga nakitang dahilan ng gobyerno sa pagbaba ng birthrate sa bansa ay ang pagtaas ng gastusin sa childcare na planong tugunan ng administrasyong Kishida.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan