今週の動画

MINIMUM WAGE SA TOKYO, POSIBLENG TUMAAS SA 1,113 YEN

Inirekomenda ng Tokyo regional minimum wage council sa Tokyo Labor Bureau na itaas ng 41 yen sa 1,113 yen ang hourly minimum wage sa lungsod.

Sa kasalukuyan ay 1,072 yen ang sweldo kada oras sa Tokyo, ang pinakamataas sa 47 prepektura sa bansa, saad sa ulat ng The Mainichi.

Sakaling walang pagtutol ay iaanunsyo ang bagong minimum wage sa Setyembre 1 at ipapatupad simula Oktubre 1.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!