今週の動画

PAGHIHIGPIT SA PAGGAMIT NG MT. FUJI TRAIL, IPAPATUPAD

Simula bukas ay lilimitahan ang mga hikers na maaaring gumamit ng Yoshida Trail sa Yamanashi Prefecture mula sa 5th station na nararating naman sa pamamagitan ng kotse o bus.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, posible itong isara hanggang Setyembre 10 kung magiging overcrowded ang ruta sa mga hikers na umaakyat sa tuktok ng Mt. Fuji na maaaring magdulot ng panganib sa kanila.

Ipapatupad ang hakbang na ito kasunod nang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista sa Mt. Fuji na isang World Heritage site.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!