今週の動画

WIND BELLS SA IIJIMA TOWN SA NAGANO, PASOK SA GUINNESS

Nagsagawa ng festival ang lugar ng Iijima sa Nagano Prefecture kamakailan kung saan 10,000 “furin” wind bells ang kanilang dinisplay.

Kinilala ito ng Guinness World Records bilang pinakamaraming furin na naka-display, saad sa ulat ng Jiji Press.

Isinabit ang mga wind bells sa “yogura” towers na may habang 80 metro.

Ang festival na tinawag na “Shinshu Iijima Kazekaido Rinrin Matsuri” ay nagsimula taong 2021 bilang suporta sa nasabing lugar na humaharap sa pagbaba ng populasyon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!