今週の動画

3 BILYONG YEN NANAKAW DAHIL SA PHISHING SA JAPAN

Nakapagtala ang National Police Agency ng Japan ng 2,322 scams na nagresulta sa hindi otorisadong money transfers na umabot sa 3 bilyong yen sa unang kalahati ng 2023.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, ang mga scams na ito ay nagawa sa pamamagitan ng pagnanakaw ng internet banking IDs at passwords.

Kadalasan ay nagpapanggap ang mga phishing emails at text messages bilang mga financial institutions kung saan nare-redirect ang mga users sa mga counterfeit websites na nanghihingi ng kanilang passwords at iba pang impormasyon.

Pinag-iingat ang publiko sa pagki-click sa mga kahina-hinalang links sa mga emails.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!