今週の動画

MAHIGIT 7,000 KUMPANYA NA MAY FOREIGN TRAINEES, MAY NILABAG NA BATAS

Napag-alaman ng labor ministry ng Japan na 7,247 na business establishments sa bansa ang may ginawang paglabag sa batas patungkol sa kanilang foreign technical trainees noong nakaraang taon.

Nagsagawa ng on-site investigations ang ahensya sa 9,829 business establishments sa buong bansa at nalaman na 73.7% sa mga ito ay may legal violations, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Kabilang sa mga paglabag ang kakulangan sa safety management at ang hindi pagbabayad ng karagdagang sahod.

Sinabi ng ahensya na paparatingin nila ito sa mga may-ari ng kumpanya at titiyakin nito na magkakaroon ng tamang kondisyon sa trabaho at kaligtasan ang mga foreign technical trainees.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!