今週の動画

3.68 MILYONG BAKASYUNISTA, NAITALA NG MGA AIRLINE COMPANIES NGAYONG BON HOLIDAY

Halos nakabangon na ang domestic travel sa Japan ito ay matapos makapag-book ang mga Japanese airline companies ng nasa 90 porsyento ng pasahero noong pre-pandemic levels ngayong darating na Bon summer holiday.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, umabot sa 3.68 milyong katao ang nagpareserba ng domestic flights sa 11 Japanese carriers mula Agosto 11 hanggang 20.

Umabot sa 2.7 milyon na reservations ang sa All Nippon Airways at Japan Airlines na nasa 94 porsyento ng naitala noong 2019.

Nagtala rin ng 440,000 na international flight bookings ang ANA at JAL mula sa 560,000 na kabuuang bilang (as of Thursday).

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!