今週の動画

JOB OPENINGS RATIO SA JAPAN BUMAGSAK DAHIL SA PAGTAAS NG LIVING COSTS

Iniulat ng Japanese labor ministry ang pagbaba ng mga oportunidad sa trabaho noong Hunyo, bahagi ng dahilan ay ang pagtaas ng gastos sa pang-araw-araw na pamumuhay na nagdulot ng mas maraming tao na maghanap ng trabaho. 
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, binanggit ng ahensya na nahihirapan ang mga matatanda na mabuhay sa kanilang mga pensyon lamang.

Ang national na average ratio ay bumaba sa 1.30 na ang ibig sabihin ay may 130 bakanteng trabaho kada 100 aplikante, ang pangalawang sunod na buwan nang pagbaba.

Samantala, mayroong pagtaas sa mga job offerings sa industriya ng hotel at medikal, ngunit bumagsak sa manufacturing at konstruksiyon. Patuloy na binabantayan ng ahensya ang sitwasyon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!