今週の動画

KITA NG JAL AT ANA, BALIK-SIGLA

Iniulat ng Japan Airlines at ANA Holdings ang kanilang net profit noong Abril hanggang Hunyo kung saan nanumbalik ang air-travel demand kasunod ng COVID-19 pandemic.

Batay sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng JAL na nakapagtala sila ng net profit na 160 milyong dolyar habang ang ANA Holdings naman ay 215 milyong dolyar.

Ito ang unang beses na nanumbalik ang kita ng dalawang pinakamalaking carrier ng bansa makalipas ang apat na taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!