今週の動画

MAHIGIT 1K PRODUKTO SA JAPAN, TATAAS ANG PRESYO

Nakatakdang tumaas ang presyo ng 1,102 produkto na gawa ng 195 Japanese food and beverage companies sa bansa simula ngayong buwan.

Ayon sa Teikoku Databank Ltd., mararamdaman ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga dairy products tulad ng gatas at iba pang popular na items, saad sa ulat ng Jiji Press.

Itataas ng Megmilk Snow Brand Co., Meiji Co. at Morinaga Milk Industry Co. ang presyo ng kanilang mga gatas at yogurt.
 Ilan pa sa mga magtataas ang presyo ay ang “soft salad” rice crackers ng Kameda Seika Co., “big pucchin pudding” ng Ezaki Glico Co., at tatlong Chinese buns ng Nakamuraya Co.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!