今週の動画

OVERNIGHT STAYS SA JAPAN, LUMAMPAS SA PRE-PANDEMIC LEVELS

Lumampas ang bilang ng overnight stays sa bansa nitong Hunyo kumpara sa bilang na naitala sa parehong buwan noong pre-pandemic year 2019.

Ito ang unang beses na nangyari ito simula nang mangyari ang COVID-19 pandemic, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Umabot sa humigit-kumulang 46.3 milyon ang kabuuang bilang ng mga bisita sa mga hotels at iba pang pasilidad, mas mataas ng 1% kumpara noong bago ang pandemya.

Nasa 36.8 milyon ang mga Japanese guests habang nasa 9.4 milyon naman ang mga dayuhang bisita.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!