今週の動画

1,002 YEN NA HOURLY MINIMUM WAGE SA JAPAN, IMINUNGKAHI

Sinang-ayunan ng Japanese labor ministry panel ang pagtaas ng average minimum hourly wage sa anim na prepektura sa bansa sa 1,002 yen ngayong fiscal 2023.

Mas mataas ito ng 41 yen kumpara noong fiscal 2022, ayon sa ulat ng Jiji Press.

Kapag naaprubahan, ito ang unang beses na lalampas sa 1,000-yen threshold ang hourly minimum wage sa bansa.

Kabilang sa anim na lugar ang Tokyo at Osaka. Habang mas mataas ng 40 yen naman ang iminungkahi para sa mga lugar ng Miyagi, Kyoto, Hyogo at 25 pang prepektura, at 39 yen sa Aomori, Okinawa at 11 pa lugar sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!