今週の動画

MGA BABAENG HAPON, PINAKAMAHABA ANG BUHAY SA BUONG MUNDO

Pinakamataas ang life expectancy ng mga kababaihang Hapon sa buong mundo, ito ay ayon sa health ministry ng Japan.

Ayon sa ahensya, nasa 87.09 taon ang average lifespan para sa mga babaeng Hapon nitong 2022, bumaba ng 0.49 taon mula noong 2021, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Pang-apat naman sa buong mundo ang mga kalalakihan sa Japan na may average life expectancy na 81.05 taon, mas mababa ng 0.42 taon kumpara noong 2021.

Sinabi ng ahensya na pangunahing dahilan nang pagbaba ang COVID-19 kung saan 47,635 katao ang namatay noong nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!