SAPPORO SNOW FESTIVAL GAGANAPIN SA PEBRERO 4-8
Inanunsyo ng Sapporo Tourism Association noong ika-25 na ang pinakamalaking kaganapan sa taglamig sa Hokkaido sa susunod na taon, ang Sapporo Snow Festival, ay gaganapin sa loob ng walong araw mula ika-4 hanggang ika-11 ng Pebrero. Sa Disyembre ngayong taon gaganapin naman ang ikalawang executive committee meeting para mapagdesisyunan ang tema para sa gaganaping snow festival.
Ang mga pangunahing venue, “Odori Site” at “Susukino Site”, ay mas pinalawak kumpara noong nakaraang taon. Sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon, isang venue ang ilalagay sa Tsudome, isang sports exchange facility sa Higashi Ward. Sa Odori venue naman gaganapin ang International Snow Sculpture Contest na nakansela dahil sa coronavirus.
Ang mga poster na ginawa ay batay sa stained glass at may mga disenyong naglalarawan ng mga natural na hayop tulad ng mga fish owl ng Blakiston, Yezo deer, at Yezo squirrel na kilalang naninirahan sa Hokkaido.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan