MALL SA OSAKA, NAGMULTA NG 200 MILYONG YEN DAHIL SA MALING TAX-FREE SALES
Pinagbayad ng aabot sa 200 milyong yen na back taxes ang Hankyu Hanshin Department Stores dahil sa maling tax-free sales sa mga dayuhang turista.
Sa ulat ng NHK World-Japan, nakakita umano ng mga iregularidad sa ilang outlets ng nasabing departments stores ang Osaka Regional Taxation Bureau.
Ayon sa sources sa nasabing ulat, nagbenta umano ang mga tindahan rito ng mga items na aabot sa 2 bilyong yen sa loob ng mahigit tatlong taon hanggang Marso 2022 na hindi kinukumpirma ang entry date sa mga pasaporte ng mga bumili o di kaya ay pag-check ng paulit-ulit na bulk purchases na isinagawa ng mga Chinese at iba pang dayuhang residente na hindi sakop ng tax-free program.
Hinihinalang bumili ang mga ito ng mga items na halos umabot sa daily tax-exempt limit na 500,000 yen na hinihinalang ibebenta muli sa Japan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan