今週の動画

PINAKAMALAKING PAGBAGSAK SA POPULASYON NG MGA HAPON, NAITALA

Bumagsak ng 801,000 ang bilang ng mga Hapon sa pinakabagong survey na isinagawa ng gobyerno kamakailan.

Base sa datos, ito ang pinakamalaking pagbagsak na naitala sa bansa simula nang simulang isagawa ang survey taong 1968.

Nitong 2022 ay mayroong 122,423,038 bilang ng mga mamamayang Hapon habang nasa 125,416,877 naman kasama ang mga dayuhang residente (as of Jan. 31, 2023), mas mababa ng 511,000 kumpara sa mas naunang taon.

Tanging ang Tokyo ang nakitaan nang pagtaas ng populasyon dahil sa pagdagsa ng mga dayuhan sa lungsod, habang ang Akita Prefecture naman ang nagtala ng pinakamalaking pagbaba.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!