BAGONG JETCOASTER RIDE NG FUJI Q HIGHLAND, OPEN NA!
Ngayong Hulyo 20, inilabas ng Fuji Q Highland ang kanilang mga bagong rides kabilang na ang ZOKKON. Ang zokkon ride ay ang kanilang collaboration ride kasama ang popular na music band na Sekai no Owari.
Ang ride na ito ay nagiimitate ng experience ng pagsakay sa motor na kung saan mararanasan ang “speed” at “acceleration”. Ang ride na ito ay may height limit na 120 cm hanggang 190 cm. Ito ay may capacity na 14 na katao at ang total ride ay magtatagal naman ng 3 minutes.
Bagay na bagay ang ride na ito para sa mga mahilig magmotor at sa mga taong gustong sumubok ng bagong ride sa theme park. Ang ticket ng zokkon ride ay nagkakahalaga ng 2,000 yen subalit kung ikaw ay may free pass, kasama na ito sa halaga ng iyong ticket.
Ang Attic Tours ay kasalukuyang nag-offer ng daytrip to Fuji Q with priority pass. Kung kayo ay interesado, mag-message lang po sa aming Facebook page.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”