MGA SHOPS NA PINAGHIHINALAANG NAGBEBENTA NG CANNABIS LIQUIDS, SINALAKAY NG JAPANESE NARCOTICS AGENTS
Sinalakay ng mga Japanese narcotics control agents ang ilang tindahan sa buong Japan na pinaghihinalaang ilegal na nagbebenta ng mga likido na naglalaman ng cannabis para sa mga electronic cigarettes.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, hinanap ng narcotics control department ng health ministry ang 28 na tindahan na nag-o-operate sa ilalim ng pangalang Goodchill sa 15 prepektura kabilang ang Kanagawa, Tokyo at Osaka. Pinapatakbo ang mga nasabing shops ng isang grupo na nagbebenta ng e-cigarettes.
Dagdag pa sa report, ang mga tindahan umano’y nagbenta ng mga likidong naglalaman ng cannabis na ginagamit sa e-cigarettes sa halagang humigit-kumulang sa 16,000 yen.
Nabatid ng mga ahente na mahigit sa 140 na portions ng likido ang nasamsam mula sa 20 na tindahan at na-detect ang cannabis sa ilan sa mga ito.
Inaalam pa ng mga otoridad kung saan binebenta ang mga ito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan