TOKYO DISNEY RESORT, MAGLALABAS NG BAGONG PRIORITY PASS
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Tokyo Disney Resort ay naglabas ng bagong priority pass ang operator nito na Oriental Land Co. ngayong araw.
Magagamit ang 40th Anniversary Priority Pass ng libre kung saan maaaring ma-enjoy ang ilang mga atraksyon sa Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea nang hindi kinakailangang pumila nang matagal kahit sa panahon ng summer holiday kung saan kadalasang puno ng tao ang mga theme parks, saad sa ulat ng The Yomiuri Shimbun.
Pagpasok sa mga theme parks ay maaaring magreserba ang mga gumagamit ng priority pass para sa atraksyon na kanilang gusto sa pamamagitan ng smartphone app ng Tokyo Disney Resort ng first-come, first-served basis.
Ang priority pass ang pumalit sa FastPass, na nag-aalok din ng libreng priority entry ngunit ito ay itinigil ng Oriental Land noong Hunyo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan