MAHINANG YEN, PABOR SA MGA DAYUHANG TURISTA NA BUMIBISITA SA JAPAN
Dumagsa ang mga dayuhang turista sa Japan nitong unang kahalati ng taon na pumalo sa lampas dalawang milyon dahil sa tinatawag na revenge travel na sinabayan pa ng mababang yen.
Sa ulat ng Jiji Press, sinabi ng opisyal ng isang department store na tumaas ang kanilang benta ng mga duty-free items dahil sa mababang yen kung saan halos doble ang nagagastos ng average customer kumpara noong pre-pandemic levels.
Inaasahan naman ng All Nippon Airways ang kanilang pag-recover sa nasa 70 porsyento ng pre-pandemic levels ngayong katapusan ng Hulyo. Samantala, sa kabila nang muling pagbangon ng turismo sa bansa ay nahaharap din ito sa labor shortage sa hotel industry.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan